Floor manager tigok sa Pasay

DEAD on the spot ang 34 anyos na floor manager nang barilin ng malapitan ng isa sa dalawang lalaki kaninang umaga, May 27, sa Pasay City.

Isang tama ng bala sa ulo ang kumitil sa buhay ng biktima na kinilalang si Arnel Castillo, 34, floor manger sa Egigma  KTV Bar, na nasa Service Road, Lourdes St., Brgy. 5 Zone-6 ng nabanggit na lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Cris Gabutin, naganap ang insidente dakong 3:00 ng madaling araw sa tabi ng establisimiyento habang ang biktima ay abalang  nagbabasa ng isang tabloid newspaper.

Bumaba ang suspek sa isang motorsiklo at iniwang naghihitay ang kasama nito at lumapit sa biktima  at itinutok ang kalibre .45 pistolang baril sa ulo at pinaputok na naging dahilan ng daglian pagkamatay ng biktima.

Sa paglalarawan ng testigo na kinilalang si Anabelle Javier, 43, vendor, ang suspek ay may taas na 5’2-5’3″ nakasuot ng kulay itim na jacket, bull cap at sumakay sa naghihintay na kasama sa motorsiklo na di nakuha ang plaka at tumakas patungong direksyon ng Manila.

Sa kasalukuyan, inaalam pa ng awtoridad ang motibo ng pamamaril sa biktima

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply