Gabundok na basura naiiwan kada araw sa Boracay

NAG-IIWAN nang gabundok na basura ang mga turista na nagbakasyon sa Isla ng Boracay ngayong summer.

Ayon sa talaan ng Material Recovery Facilities (MRF) sa Barangay Balabag sa naturang isla, mula nang pumasok ang peak season ay hindi na bumaba sa 22 trak ng basura ang hinahakot nila araw-araw kumpara sa dating 18 trak ng basura kada araw tuwing off-season.

Nabatid kay Jing Francisco, tagapamahala sa MRF, na pawang mga plastic bag o supot, mga plastic containers at styrofoam cup ang kadalasan nilang napupulot sa front beach.

Kanila na rin aniyang inaagahan ang paglilinis sa front beach pati ang pangongoklekta ng basura na nagsisimula ng alas–3:30 ng madaling araw.

Sa ngayon ay may apat na trak ang MRF na ginagamit sa paghahakot ng basura maliban pa sa mga pribadong trak ng malalaking establisimyento sa Boracay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply