Galing sa kasalan, brgy. kagawad diretso sa libingan

MULA sa isang masayang kasalan idineretso ng hindi pa nakikilalang salarin ang isang barangay kagawad matapos niya itong buntutan at saka pinagbabaril nang malapitan sa lalawigan ng Cagayan, sa ulat ng Philippine National Police.

Ayon sa ulat, naganap ang pamamaslang sa may Brgy. Sampaguita, Solana, Cagayan.kagabi (Mayo 11)

Daglian ang inabot na kamatayan ng biktimang si Rufino Delos Santos, isang halal na brgy. councilor sa nasabing bayan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, galing sa isang kasalan ang biktima nang mangyari ang insidente.

Habang papauwi ang biktima at tinatahak ang madilim na bahagi ng kalsada sa Brgy. Sampaguita lulan sa kanyang motorsiklo nang dikitan ito ng hindi pa nakikilalang suspek na sakay din ng isang motorsiklo.

Gamit ang kalibre 45 pistol ay pinaputukan ng salarin ang walang kamalay-malay na target.

Patuloy ang imbestigasyon sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply