Game 1: Heat tinusta ang Celtics, 93-79

MAY “pilay” man ang tinaguriang “The Big 3” ng Miami Heat ay nasungkit pa rin nila ang unang panalo sa final series ng Eastern Conference kontra Boston Celtics sa iskor na 93-79.

Nanguna sa panalo ng Heat si LeBron James na nakapagtala ng 32 points at 13 rebounds, habang si Dwyane Wade ay nag-ambag naman ng 22 points at 7 assists para sa koponan.

Sa bispersa ng Eastern Conference finals ay nagpakita sa workout si Chris Bosh.

Bagama’t malaki ang development sa kondisyon ni Bosh ay wala pang katiyakang makapaglalaro ito sa serye.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply