Game 2: Thunder olats sa Spurs, 111-120

NANGALABAW ng 31 puntos at tig-limang rebounds at assists si Kevin Durant, 30 points naman at pitong rebounds ang kinamada ni James Harden habang 27 markers ang inambag ni Russell Westbrook subalit hindi pa rin sapat upang itabla ng Oklahoma City Thunder ang serye.

”Sometimes, it’s exactly as we drew it,” sabi ni Spurs coach Gregg Popovich. ”Other times, it’s a miracle, and that’s the truth. It doesn’t always go exactly the way you planned. Good players get it done.”

Nanganganib ang No. 2 seed Thunder dahil naangatan na sila ng 2-0 series ng San Antonio Spurs matapos manaig ang huli sa una, 111-120 sa Game 2 ng NBA Western Conference Finals kaninang umaga.

Tumirada ng 34 puntos at walong assists si Tony Parker upang ilista ang 20th consecutive wins ng Spurs mula regular season hanggang playoffs.

”You never go out and say, ‘We’re going to start out fast,”’ ani Popovich. ”You don’t know what is going to happen. You just want your team to be aggressive. Good teams are aggressive and it is, it’s a matter of making shots or not making shots.”

Somosyo rin si Spurs bench player Manu Ginobili ng 20 pts. at apat na rebounds habang si starter Kawhi Leonard ay naglagak ng 18 puntos upang punan ng bahagya ang 11 markers na ginawa ni ace player Tim Duncan.

Kahit pumuputok ang opensa nina Durant, Jarden at Westbrook ay dominado pa rin ng Spurs ang bawat quarter kung saan ay lamang ang San Antonio, 55-44 sa first half.

Bumira ang Spurs ng 52 percent (12 for 23) sa opening quarter.

Lumobo pa ang abante ng Spurs matapos ang third period, 92-76.

”Our guys played hard,” wika ni Thunder coach Scott Brooks. ”Unfortunately, we came away with nothing the last few days.”

Ang Game 3 ay gaganapin sa Oklahoma.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply