General registration sa ARMM tuloy na

TINIYAK ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr. na tuloy na tuloy na ang pagdaraos ng general registrations sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ipinaliwanag ni Brillantes na wala na silang nakikitang sagabal kaya’t sisimulan na nila ang preparasyon para sa general registration sa ARMM.

“We no longer see any obstacles. So we will start preparing for a general registration in the ARMM,” anang Comelec chief.

Sinabi pa nito na tiniyak na rin sa kanya ni Sen. Koko Pimentel, chairman ng Senate Committee on Electoral Reforms, na sa Hunyo ay mailalabas na ang resolusyon na nagpapawalang-bisa sa kasalukuyang book of voters sa rehiyon.

Aniya, sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng sapat pang panahon ang poll body para sa general registration.

Tinatayang sa Hulyo 9-18, 2012 ay maisagawa ang general registration sa ARMM.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply