Genuine reconciliation, hiling ni Magsaysay sa pagtatapos ng paglilitis kay CJ Corona

UMAASA si Zambales Rep. Mitos Magsaysay na makakausad na ang bansa matapos ang kontrobersyal na paglilitis kay Chief Justice Renato Corona at magkakaroon na ng tunay na unawaan at pagkakaisa sa bansa.

“Ito ang unang pagkakataon na natapos ang impeachment trial, kung saan nadinig ang punto ng magkabilang panig – prosekusyon at depensa, at maging ang Punong Mahistrado ay nabigyan ng pagkakataong salagin ang mga paratang laban sa kanya kaya’t ito ay isang mabuting senyales maari na tayong magkaroon ng closure sa isyu at mayroon pa ring hustisya sa bansa,” aniya.

Ani Magsaysay, napapanahon ang pagtatapos ng paglilitis dahil kailangan na ring umusad ng bansa mula sa isyu upang harapin ang mga problema na matagal nang naisantabi dahil sa impeachment.

“Sana kapag matapos ang paglilitis,ang lahat ng sangay ng pamahalaan, maging ang hudikatura ay makabangon na sa kontrobersiya. Siguradong magkakaron ng malaking implikasyon ang anumang desisyon sa ating bayan pero may tiwala ako sa talino at kagalingan ng ating mga senator judges. Sana ay ibase nila ang kanilang desisyon sa ebidensiya at hindi dahil sa koneksiyong politikal upang magkaroon tayo ng closure sa usaping ito.”

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply