German national nabaliw sa kasong rape

MAKARAANG makaranas ng paranoid schizophrenia,, nananatili pa rin sa psychiatric department ng Southern Philippines Medical Center (SPMC) ang isang German national na may kasong rape.

Kinilala ang suspek na si Gerdack Clien Smith.

Ayon sa department of psychiatric ng SPMC sa korte, hindi pa maaaring humarap sa court hearing si Smith dahil dumaranas ito ng paranoid schizophrenia.

Dinakip ang suspek noong Agosto 2011 matapos gahasain sa isang hotel ang 13-anyos na lalaki.

Bukod sa kasong rape, nahaharap din ang suspek sa kasong serious illegal detention na isinampa ng taxi driver na si Aniano Melendres dahil sa pagkulong sa kanya sa bahay ng dayuhan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply