Ginang na-bad trip, 2 anak pinaslang

SWAK sa kulungan ang isang ginang matapos patayin ang dalawang sariling anak nang humabol ang mga ito sa kanyang pag-alis sa Sitio Daat, Barangay Calapi, bayan ng Hinigaran sa lalawigan ng Negros Occidental.

Walang pang piyansang inerekomenda ang korte laban sa ginang na si Mira Lacson, 24, at isang single parent, na nahaharap ngayon sa kasong parricide matapos umano’y patayin ang mga anak na sina Violy Mae, 3 at Carmela, 1.

Lumalabas sa sinagawang pagsisiyasat na inamin ni Lacson ang pagpatay sa kanyang dalawang anak ngunit tumangging sagutin kung paano at bakit niya pinatay ang mga inosenteng bata.

Ayon sa ama ng suspek na si Francisco, alas-3:00 ng hapon noong Lunes, aalis sana ang suspek upang mamasyal ngunit humabol ang mga bata sa kanya dahil gustong sumama.

Matapos pinagsabihan ng kanyang mga magulang, dinala ng ina ang kanyang mga anak sa taniman ng tubo ngunit pagkalipas ng isang oras, bumalik ito sa kanilang bahay at sinabi sa ama na iniwan niya ang kanyang mga anak sa gitna ng taniman.

Dahil umano may rekord na ang suspek ng pagtatangka na patayin ang mga anak ay kinabahan ang ama at humingi agad ng tulong sa mga
barangay tanod. Nakita na lamang nilang malamig na bangkay na ang mga bata na natabunan ng dahon ng saging at walang pang-itaas na damit.

Naniniwala ang ama na posibleng tinakpan ni Mira ang ilong at bunganga ng kanyang mga anak upang hindi makahinga hanggang binawian ng buhay ang mga ito dahil wala namang naiwang bakas ng sugat o anumang palatandaan na sinakal ang mga biktima.

Napag-alaman din na noong nakaraang dalawang taon, sinubukan ng suspek na patayin ang panganay nitong anak sa pamamagitan ng paglaslas sa pulso ng bata.

Sinabi pa ng isang malapit na kamag-anak ng ginang na maaaring nasa ilalim ng impluwensiya ng marijuana ang anak kung kaya’t nagawa nito ang karumal-dumal na krimen.

Pursigido naman ang mga magulang ng suspek na sasampahan ito ng two counts of parricide matapos na madakip ng mga tumugis na mga
awtoridad kasunod ng ginawa niyang pagtakas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply