Ginang patay, 1 kritikal, 3 pa sugatan sa pananambang

PATAY ang isang ginang habang sugatan ang asawa at dalawang kasakay sa kotse matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang mga suspek sakay ng motorsiklo sa Valenzuela City kaninang umaga.

Nasa kritikal na kondisyon naman at inoobserbahan sa Valenzuela General Hospital ang nadamay na si Danton Mansera na tinamaan ng ligaw na bala habang naglalakad sa lugar.

Batay sa report ng pulisya, patay na nang idating sa Fatima Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Marie Christine Gamboa, 34.

Nadaplisan naman ng bala sa katawan ang mister ni Marie Christine na si March Gamboa, 34, ang abogadong si Emerson Barrientos at si Reynate Carobio.

Dakong alas-9:00 ng umaga, minamaneho ni March ang kotseng Subaru at nasa passenger side ang asawa habang nasa likod ang dalawa pang kasama. Pagsapit sa Villa Liwayway, Maysan ng lungsod ay pinagbabaril ng mga suspek ang kanilang sasakyan.

Hindi naman naplakahan ang motorsiklo ng mga suspek na mabilis na tumakas pagkatapos paulanan ng bala ang sasakyan ng mga biktima.

Nabatid na galing sa hearing sina Gamboa dahil may sinampasahan na kasong estapa at kinuhang abogado si Barrientos.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply