Ginigipit ng taga-munisipyo

ANG mga tanggapan ng pamahalaan ay nilikha upang tulungan ang mga mamamayan sa kanilang pamumuhay at hindi upang gipitin pa.

Ang mga empleyado ng gobyerno ay binabayaran mula sa buwis ng taumbayan kaya’t tungkulin nito na pagsilbihan ang mga mamamayan.

Subalit sa kalagayan ng isang maybahay mula sa Calaca, Batangas ay tila ginigipit siya ng isa sa mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng Calaca dahil sa utang niya sa mga magulang nito.

Ayon kay Thelma, kumukuha siya ng mayor’s permit sa pamahalaang bayan ng Calaca upang makabitan siya ng kur-yente ng Batangas Electric Corp (BATELEC) subalit hinaharang ng empleyadong anak ng pinagkakautangan niya.

Harassment ang ginagawa sa kanya ng empleyado dahil ayaw nitong pirmahan ang mayor’s permit hanggang hindi niya binabayaran agad-agad ang siyam na libong piso (P9,000) utang sa mga magulang nito.

Aminado naman ang nagpadala ng mensahe na walang-wala siyang pera sa ngayon kaya’t hindi niya mababayaran ang utang.

Desperado siyang makabitan ng kuryente dahil problema ng pamilya niya ang sobrang init ng panahon.

Hindi sila makatulog sa gabi dahil sa sobrang banas ng panahon.

Nagtatanong ang taong ito kung kanino siya lalapit dahil bukod sa wala siyang pera sa kasalukuyan ay nararamdaman niya na naaapi siya dahil nga sa ang gumigipit sa kanya ay taong gobyerno.

Tila walang planong takasan ng texter ang kanyang obligasyon sa mga magulang ng taong gobyerno na gumigipit sa kanya kaya’t dapat ay pakialaman na ito ng mga opisyal ng pamahalaang bayan ng Calaca.

Kung mabuti ang layunin mo Thelma, makabubuting magtungo ka sa tanggapan ni Calaca Mayor Sofronio “Nas” Ona Jr. upang hingin ang tulong nito dahil hindi naman magandang ang isang taong gobyerno pa ang manggigipit sa taumbayan na  dapat sana
ay kanilang pagsilbihan.

Mayor Nas Ona, pakiaksyunan mo naman ang bagay na ito upang parehong malutas ang problema ng botante mo at tauhan mo. Makabubuting pagtagpuin sa gitna ang kanilang problema.

Hindi na naman siguro kailangang paabutin pa sa mas mataas na lebel ang kanilang problema at sa tanggapan mo pa lang ay matapos na.

Magiging problema sa parehong partido kung aabot pa sa Department of Interior and Local Government o Civil Service Commission ang napakaliit na gusot na ito na kung aaksyunan ng sinoman sa lokal na pamahalaan ay mapaplantsa naman.

Nais ba ninyong ibahagi ang inyong karanasan sa opisyal at tauhan ng pulisya o pamahalaan at pribadong indibidwal?

Maaari kayong mag-text sa 09215175814 o mag-email sa Santi_lean11@yahoo.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply