Global protest kahapon naging mapayapa

MAPAYAPA ang isinagawang global protest laban sa China kaugnay sa pinag-aagawang Scarborough o Panatag Shoal sa may bahagi ng West Philippine Sea, kahapon (Mayo 11).

Kabilang sa nagprograma sa tapat ng Chinese Consular Office sa Makati City ang mga miyembro ng Akbayan, Black and White Movement, People Power Volunteers for Reform, mga estudyante at ilang evangelical churches.

Nabatid na nakiisa rin si dating Pangulong Fidel Ramos sa mga nagmartsa bilang pagkondena sa panggigipit ng China sa bansa.

Agad namang napigilan ng mga nakatalagang awtoridad ang muli sanang pagsusunog ng bandila ng China na tinaguriang “flag burner” na si Abner Afuang at kinumpiska rito ang dalang bandila at gamit sa panunog.

Nilinaw din kahapon ng mga organizer na ang ikinasang kilos-protesta ay hindi paghahamon ng away sa China kundi ang isulong ang kapayapaan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply