GMA tatakbo sa 2013 polls– Suarez

MULING tatakbo si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pagkakongresista sa 2013 midterm elections.

Kinumpirma ito ni House Minority Leader Danilo Suarez sa kabila ng ang dating Pangulo ay naka-hospital arrest.

Sinabi ni Suarez na mas nakatutok ngayon si CGMA sa kanyang muling pagtakbo sa susunod na taon at ipinauubaya nito sa liderato ng Bagong LAKAS-CMD ang pagmamaniobra sa partido.

Ayon kay Suarez, pumayag na rin umano ang dating Pangulo na bawasan ang exposure nito habang patuloy na nililitis ang kanyang kaso ng administrasyong Aquino.

Aniya, pipilitin at unti-unti ng ililihis ng liderato ng Bagong Lakas sa anino ni GMA ang partido.

Sa ginanap na council meeting sa Diamond Hotel ng partido kung saan hinirang si Senador Ramon “Bong” Revilla bilang chairman ay inalis o kinalas na rin ang partidong Kampi mula sa Bagong Lakas-CMD upang malayo sa anino ng dating Pangulo.

Nagpahayag na rin aniya ang dating Pangulo na hindi na ito makikialam sa anumang plano ng partido.

“She (Arroyo) did not give any message and she will most probably take a low-profile in our party’s plans,” ayon kay Suarez.

Sa ngayon ayon kay Suarez ay pinagtutuunan ng pansin ng partido ang malakas na line-up upang itapat sa Liberal Party partikular sa lokal dahil mayorya pa rin aniya ng nakaupong halal na opisyal ay miyembro ng Lakas-CMD.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply