GMA makikiusap kay PNoy para makapagpagamot abroad

NAKAHANDA nang makiusap ang kampo ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino na payagang lumabas at makapagpagamot sa ibang bansa.

Ayon kay House Minority Leader Danilo Suarez, maghahain sila ng resolusyon para umapela sa mga kaalyado ng Pangulo sa Kamara para maisagawa na ang operasyon kay Arroyo.

Ipinaliwanag pa ni Suarez, malala ang kondisyon ngayon ni Arroyo at kailangan nito ng agarang pagtugon ng mga espesyalista.

Ayaw umanong operahan ng mga doktor sa Pilipinas ang dating Pangulo dahil sa posibilidad na ikamatay nito ang maselang operasyon

Nauna rito sinabi ni Pangulong Aquino na hindi dapat pinapatulan ang mga drama ni dating Pangulong Arroyo na makapagpagamot sa ibang bansa.

Sinabi naman ng Pangulo na kailangang pakinggan muna ang opinyon ng mga eksperto dahil mahirap kapag basta na lamang pinapaniwalaan ang sinasabi ng kampo ni Arroyo

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply