GMA nagpa-checkup sa Makati Medical Center

KASALUKUYANG nagpapasuri si dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa Makati Medical Center (MMC).

Ang pagpapasuri ni Ginang Arroyo ay makaraang pahintulutan ni Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 112 Judge Jesus Mupas na makapagpa-checkup dahil sa nararanasang paninikip ng dibdib.

Nabatid na alas-7:10 kaninang umaga nang umalis ang puting coaster na sinaksyan ng dating Pangulo kasunod ang isang ambulansya at mga pulis sa Veteran’s Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City.

Ayon kay Dr. Rober Anastacio, ang cardiologist ni Gng. Arroyo, posibleng tumagal ang dating Pangulo sa pagamutan hanggang mamayang hapon para ganap na masuri ito.

Mahigpit na seguridad ang ipinatutupad ng Philippine National Police (PNP) sa MMC.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply