GMA nagsasakit-sakitan lang– Bello

MALAKI ang hinala ng isang mambabatas na nagsasakit-sakitan lamang si dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Mariing ipinahayag ni Congressman Walden Bello, complainant sa plunder case ni Ginang Arroyo na puwedeng malunasan sa bansa ang karamdaman nito kaya walang dahilan para lumabas pa ito ng Pilipinas.

Naniniwala si Bello na drama effect lang ni Arroyo gaya ng ginawa nito noon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na ipinalabas na life threatening umano ang kanyang buhay subalit hindi naman pala.

Taliwas naman ito sa maselan umanong kondisyon ngayon ng dating Pangulo.

Ayon naman kay Occidental Mindoro Rep. Ma. Amelita Villarosa na kaalyado ng dating presidente, “in pain” ngayon ang mambabatas.

Kitang-kita aniya kung paano iniinda ng dating Pangulo ang sakit ng dalawin niya ito sa ospital.

Nang matanong si Villarosa kung sa tingin niya ay dapat nang magpagamot sa abroad ng Gng. Arroyo ay sinabi nito na ayaw niyang pangunahan ang desisyon ng doktor nito.

Si dating PAngulong Arroyo ay nagpa-check-up sa Makati Medical Center nitong Huwebes at sumailalim siya sa CT Scan bilang bahagi ng kanyang cardiograph test matapos siyang magreklamo ng pananakit ng dibdib.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply