GMA nalungkot sa boto ni Revilla

LABIS na ikinalungkot ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Arroyo sa naging boto ni Senator Judge Ramon Bong Revilla Jr., na isa ito sa mga pumabor na i-convict  ang pangulo ng kanilang partido na si Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Minority Leader Danilo Suarez, Lunes pa lamang ay ipinaalam na ni Revilla sa matataas na opisyal ng kanilang partidong Lakas – Christian Muslim Democrats ang magiging desisyon nito sa impeachment trial.

Inihayag ni Revilla na personal na desisyon ito at hindi dapat ito maging isyu sa kanilang partido.

Sa kabilas nito binigyang diin ni Suarez na malaki ang pagkadismaya ng dating Pangulong Arroyo nang kanilang  ipaalam ang desisyong ito ni Revilla.

Matatandaang marami ang nagulat sa pagboto ni Revilla laban kay Corona dahil sa kapartido ng senador ang dating pangulo na kaalyado ng punong mahistrado

Naniniwala naman si Revilla na ginampanan lamang niya ang kanyang tungkulin at ang kunsensya niya ang nagdikta para magbigay ng hatol sa punong mahistrado.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply