Gobyerno inutil sa pag-aresto sa mga wanted na personalidad – Pari

MARIING binatikos ni Solidarity Philippines lead convenor Fr. Joe Dizon ang aniya’y kakulangan ng aksiyon ng pamahalaan para madakip ang mga kilalang personalidad na ngayon ay wanted sa batas dahil sa iba’t ibang kaso.

Ayon kay Dizon,  na kilala sa pagiging human rights advocate, hindi sapat ang aksiyon ng pamahalaan para maaresto ang mga high-profile fugitives tulad nina retired Major Gen. Jovito Palparan, dating Palawan Gov. Joel Reyes at Dinagat Island Rep. Ruben Ecleo.

Kaugnay nito, hinamon pa ni Dizon si Pangulong Benigno Simeon Aquino III  na kung talagang seryoso ito sa pagresolba sa mga naturang kaso ay dapat na gamitin nito ang kaniyang kapangyarihan bilang commander-in-chief at atasan ang mga awtoridad na gawin ang lahat para madakip ang mga naturang pugante.

“Well I think President Aquino is not doing too much to arrest them and to think that he can exercise his power as commander in chief to order the arrest of these high profile fugitives,” ayon kay Dizon, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Kaugnay nito, nagpahayag din ng paniniwala si Dizon na kaya’t patuloy na nakakalaya ang mga naturang pugante, particular si Palparan, ay dahil protektado ang mga ito ng ilang pulis at opisyal ng militar.

“I really think that the reason why they are still free until now is because they are under the protection of the police and military. If they will not be arrested, President Aquino should be held accountable,” aniya pa.

Matatandaang si Palparan ay pinaghahanap ng batas dahil sa kinakaharap na ilang kaso ng paglabag sa karapatang pantao, habang si Reyes ay inakusahang utak sa pagpatay sa environmentalist na si Dr. Gerry Ortega, at si Ecleo naman ay napatunayang guilty sa pagpatay sa kaniyang maybahay.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply