Gonzalez lilingkisan ni ‘Ahas’ Nietes

BALAK sagupain at lingkisan ni world champion Donnie “Ahas” Nietes si undefeated Nicaraguan slugger Roman “Chocolatito” Gonzalez (32-0, 27KO’s).

Subalit bago ito, ayon kay Nietes, kailangan niya munang maidemolis ang batang hard hitting Mexican na si Felipe Salguero sa main event ng Pinoy Pride XIV sa June 2 sa Maynila kung saan nakataya ang kanyang WBO Light Flyweight title.

Aniya, kahit saan at kahit kailan ay nakahanda siyang harapin si Gonzalez para i-unify ang kanilang mga korona na hawak.

Ngunit sa ngayon ay nakatuon pa rin ang buong atensiyon ng kampo ni Nietes sa kanyang laban kay Salguero.

“It woud be a great fight as Roman Gonzalez is a excellent champion while Nietes has the experience and the skills. However, our focus is on our next target Felipe Salguero on June 2,” pahayag ni Michael Aldeguer, anak ni boxing benefactor Antonio L. Aldeguer. (GP)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply