Gov’t professionals gawing titser – Angara

HINIKAYAT ni Sen. Edgardo Angara ang Department of Education (DepEd) na gawing titser sa Science at Math ang government professionals tulad ng scientist at engineers upang mapunan ang kakulangan sa nagtuturo nito sa pampublikong paaralan.

Ayon kay Angara, chairman ng Senate Committee on Education, Arts and Culture, lubha nang nakababahala ang lumiliit na bilang ng mga nagsisipagtapos sa kursong education science, teachers training, engineering and technology sa loob ng nakalipas na dekada.

“Our attempts to reform and improve the educational system will be for nothing if we fail to equip our teachers with the necessary skills, and if less of our students see teaching as a viable career,” ayon kay Angara.

“We should be biased for boosting our S&T capability because this will enable us to catch up and become more competitive.”

Tinukoy ni Angara na kasalukuyang sinasanay ng DepEd ang mahigit 140,000 titser – 73,500 sa Grade 1 at 70, 200 sa Grade 7 – upang magturo ng bagong K to 12 basic education curriculum. May karagdagan pang 100,000 titser ang kailangan upang makamit ang pangangailangan sa hinaharap.

Sinabi pa ng beteranong mambabatas na naisagawa ito ng DepEd sa pakikipagtulungan sa Philippine Science High School Systtem (PSHSS) at Department of Science and Technology Science Technology Institute (DOST-SEI).

“Government is doing what it can to fill the gaps in teachers, especially in math and science,” ayon kay Angara, dating UP President.

Tinukoy pa ni Angara na nagpalabas si Education Secretary Armin Luistro ng Memorandum No. 55 serye ng 2012 na binibigyan ng prayoridad ang pangangalap ng nagsipagtapos na mga science scholar sa Math at Science.

Aabot lamang sa 143 nagtapos ng iskolar mula sa DOST-SEI ang puwedeng magturo sa ilalim ng kautusan ni Lusitro para sa SY 2012-2013 pero kailangan muna silang makapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET).

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply