Grabeng sunog

KAMAKALAWA may naganap na mga sunog sa Metro Manila at Cebu.

Sa Maynila, isa ang nalitson nang buhay samantalang ganito rin ang sinapit ng dalawang bata sa Cebu.

Talaga namang mabagsik ang sunog.

oOo

Dahil sa mga pangyayaring ito, lahat ay dapat na mag-isip kung paano nagkakaroon ng sunog.

At kung mapag-aaralan natin ang mga dahilan, dapat tayong kumilos para magawan ang mga ito ng paraan.

Por eksampol, Suki, ang daming umuusok at umaa-poy na mga bentilador at erkon ngayon.

Ito’y dahil sa gusto nating malabanan ang grabeng alinsangan at init sa gabi at araw sa labas man o loob ng ating mga tahanan, opisina at iba pang ating tinitirhan o pinaglalagian.

Nasosobrahan ang paggamit natin ng mga pampa-lamig na gamit hanggang sa magulantang na lang tayo na hindi na lang pala ang mga aplayans ang umuusok at lumiliyab kundi ang ating mga bahay at kapitbahay.

Ano-ano ngayon ang mga gagawin natin?

Para sa mga may edad na at malulusog, maingat sila rito.

Pero paano ang mga bata at maysakit na walang kakayanang magpatay o gagamit ng tama sa mga aplayans na pinagmumulan ng mga sunog?

oOo

Ang totoo, hindi sapat na alam o naimeme-mo-rays natin ang mga telepon namber ng mga bumbero at may lod tayo sa pagtawag sa mga ito in keys op emergensi sa sunog.

Napakahahalaga ng pakikipaglaban sa sunog bago pa mangyari o habang maliit pa ito.

Mahalaga rin ang ating mga pag-iingat sa pagbili at paggamit ng mga gamit nating posibleng pagmulan ng mga sunog.

Kung alanganin tayo sa ating mga kaalaman laban sa sunog, pupuwede tayong komunsulta kina tserman at diyan magsisimula ang ating mga paghahanap ng mga kaalaman laban sa nakamamatay na pangyayari.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply