Granada iniwan malapit sa bahay ni Ombudsman Morales

NATAGPUAN ang isang granada ilang dipa lamang ang layo sa bahay ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa Camella 2-A, Barangay Putatan, Muntinlupa.

Ang granada ay natagpuan sa loob ng isang lata na may kalakip na kapirasong papel kung saan nakasulat ang “nagmamalasakit kay CJ.”

Nakasaad din ang initials na “CMM” kaya nasabing si Morales ang target ng nag-iwan ng granada.

Dumating naman sa lugar ang Bomb Disposal Unit ng Muntinlupa Police.

Batay sa imbestigasyon, wala pa sa bahay si Morales nang matagpuan ang pampasabog pasado-alas tres ng hapon.

Pinatututukan na ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa nasabing insidente.

Nagdagdag na rin ng security detail para masiguro ang seguridad ng Ombudsman.

Rerebisahin naman ng mga awtoridad ang closed-circuit television (CCTV) sa lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply