Granada sumabog, 1 patay, 5 sugatan

IMBES masaya, naging madugo ang ikinasang parlor games sa Zamboanga Sibugay nang sumabog ang inistang granada ng grupo ng mga hindi nakikilalang kalalakihan kahapon (Mayo 23).

Namatay noon din sanhi ng tinamong shrapnels sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Leo Lyndon Maghuyop Batano, 31-anyos ng Purok Aguinaldo.

Sugatan naman ang iba pang biktima na sina Baltazar Hilario, 35-anyos, Apple Quintilla 18; Jonamae Antin, 17; Jomarry Antin, 17; at si Novelyn Angcon na pawang residente ng Buug, Imelda, Zamboanga Sibugay.

Sa ulat mula sa PNP headquarters sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-4:30 nitong Miyerkules ng hapon sa Purok Rizal, Barangay Poblacion, Imelda.

Ayon kay Zamboanga Sibugay Province provincial director Senior Supt. Ruben Cariaga, bago ang insidente ay abala ang mga biktima sa pagkakasa ng parlor games sa kanilang lugar.

Sa gitna ng selebrasyon, biglang may nag-itsa ng granada sa mga biktima at ilang segundo lamang ang nakalipas ay bigla itong sumabog.

Inatasan ni Police Regional Office-9 Director Chief Supt. Napoleon Estilles si Sr. Supt. Cargia na magkasa ng imbestigasyon para makilala ang nagkasa ng pagpapasabog.

Inaalam na rin kung iisa lamang ang grupo na may kagagawan sa iba pang mga pagsabog na nangyari sa nasabing probinsya nitong mga nakaraang araw lamang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply