Granada sumabog sa ospital; 3 sugatan

SUGATAN ang tatlo katao makaraang sumabog ang isang granada sa Notre Dame Hospital sa Cotabato City, alas-11:50 kagabi (Mayo 27).

Sumabog ang granada malapit sa room A-27 na nasa ikalawang palapag ng ospital kung saan naka-confine ang isang biktima ng pamamaril na nakilalang si Badrudin Sarudsong.

Napaulat na noong Mayo 26 nang pagbabarilin ang bahay ni Sarudsong sa Brgy. Rosary Heights 10 sa naturang lungsod.

Hindi naman matukoy kung si Sarudsong ang target ng pagpapasabog.

Samantala, nakilala ang mga sugatan na sina Emelio Tayrus, 24; Nobaisa Pangalian, 21; at isang Baisa Pangalian.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang isang nagngangalang Esmael Yusoph, itinuturong responsable sa pagpapasabog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply