Do-or-die!

UMABOT sa death match ang labanan sa pagitan ng Memphis Grizzlies at Los Angeles Clippers matapos kalmutin ng una ang huli, 90-88 sa Game 6 ng Western Conference National Basketball Association, (NBA) playoffs kaninang umaga.

Nanagpang ng 23 puntos, siyam na rebounds at tatlong assists si Center Marc Gasol upang itabla ng Grizzlies ang serye sa 3-3 sa kanilang best-of-seven match.

Luhod sa 1-3 ang Memphis matapos ang Game 4 bago tumarak ng dalawang sunod na panalo ng makipagtulungan din sa opensa si Zach Randolp na kumana ng 18 points, 16 boards at tatlong blocks.

Nag-ambag din ng tig-13 points ang starters ng Grizzlies na sina Mike Conley at Rudy Gray.

Si Blake Griffin naman ang umarangkada ng puntos para sa Clippers.

Tumikada si Griffin ng 17 markers, anim na assists at limang rebounds habang ang ace player nilang si Chris Paul ay gumawa lamang ng 11 pts., seven assists at five boards.

Sa Game 7 sa Lunes, (Linggo sa America) ay malalaman kung sino ang aabante sa second round playoffs.

Bukas naman ng umaga ang rubber match ng Los Angeles Lakers at Denver Nuggets.

Ang mananalo sa Clippers at Grizzlies ay makakaharap ang top seeded San Antonio Spurs habang ang magwawagi sa Lakers at Nuggets ay makakalaban ang No. 2 ranked Oklahona City Thunder.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply