Grupo ng katutubo muling lalahok sa halalan

DUMULOG ang grupo ng mga katutubo, Katribu partylist, sa Commission of Election (COMELEC) para magsusumite ng “Intent to participate” sa huling araw ng pagsusumite ng Manifestation of Intent to Participate para sa darating na halalan sa 2013 .

Ayon kay Kakay Tolentino, Dumagat na Secretary General at Tagapagsalita ng KATRIBU, “Sa aming muling paglahok sa halalang 2013, muli naming sisikapin na dalhin ang interes at kagalingan ng mga katutubong mamamayan mula sa parliyamento ng lansangan patungo sa loob  ng Kongreso”

“Naniniwala kami na ang mga katutubong mamamayan ay malaki ang naitutulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya, sosyo-kultural at politika ng ating bansa, kung kaya naman dapat magkaroon ng tunay na partisipasyon at representante ang mga katutubong mamamayan sa ating pamahalaan”

“Sa matagal na panahon, nanatiling hindi pinapansin ang mga katutubong mamamayan ng ating pamahalaan, malaking bilang ng mga komunidad ng mga katutubo ay hindi naabot ng serbisyo sosyal, patuloy ang paglabag sa karapatan ng mga katutubo sa kanilang lupaing ninuno at kolektibong karapatan. Ang hindi pagbibigay ng atensyon sa mga katutubong mamamayan ang isa sa nagtulak sa aming na lumahok sa eleksyon.”

“Sawa na kami sa napakaraming politiko na nagsasalita at nagsasabing para sila sa mga katutubo at aping mamamayan, Sawa na kami sa  pagsasamantala ng mga tradisyunal na politiko sa aming abang kalagayan at pagkukunwaring sila diumano ang aming “boses” at “Representante”. Panahon na upang ang mga katutubo na mismo ang  magsalita para sa mga katutubo, Kami na mismo ang magsusulong ng interes ng aming mga “katribu”

“Layon namin na isulong ang karapatan ng mga katutubo sa sariling pagpapasya, tunay na awtonomiya,     pangangalaga ng lupaing ninuno at kalikasan, pagtatangol ng kalikasan mula sa mapanirang proyekto; Pagkilala at pagrespeto sa kolektibong karapatan ng katutubo, kultura at pagpapaunlad ng katutubong gawi, kaalaman at socio-politikal na istraktura ng mga katutubo.”

“Handa na kami na muling lumahok sa halalang 2013, bagaman hindi kami naging matagumpay sa unang pagsubok noong 2010,  hindi kami tumigil sa pagtataguyod ng karapatan ng mga katutubo sa loob man ng konreso sa pamamagitan ng lobbying o maging sa parliamentaryo ng kalsada.”

Pangunahing nominado ng KATRIBU partylist ay Kankanaey na human rights activist at , dating Chairperson ng Cordillera People Alliancena na si Beverly Longid na nagmula sa Mt. Province. Habang si Genasque Enriques at Norma Capuyan ang ikalawa at ikatlong nominee ng KATRIBU.

Si Genasque Enriques ay isang Manobo mula sa Surigao del Sur at tumatayong Bise-Presidente ng KATRIBU habang si Norma Capuyan ay isang Tagabawa-Bagobo mula  Makilala, North  Cotabato.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply