Grupong Akbayan sosyalista di komunista -PNoy

SOSYALISTA di komunista ang grupong Akbayan.

Tugon ito ni Pangulong Benigno Aquino III sa naging pagbubunyag  ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona na hawak di umano siya ng komunistang grupo dahil kay Presidential Political adviser Ronald Llamas.

“Baka naman ho sabihin ni Ronald nakalimutan ko na ho siya. Alam ho niyo may bumabatikos sa inyong partido, sabi kayo’y komunista. Sabi ko: “Hindi ho, sosyalista ho yata.” Pero si Ronald ho, dapat napansin ko na ho ito noon pang araw eh. Habang nagmamartsa kayo, madi-disperse, siya po naka-long sleeves. Ngayon po naka-Amerikana na. Kaya ‘yung sosyalista niya, sosyal na yata itong si Ronald,” ang pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply