Gulong ng SUV sumabog sa SCTEX, 4 patay, 4 sugatan

APAT ang patay habang apat iba pa ang sugatan nang tumaob ang isang SUV matapos pumutok ang gulong nito sa SCTEX kanina lamang.

Naganap ang aksidente malapit sa Porac, Pampanga alas-3 ng hapon.

Lumalabas sa paunang pagsisiyasat na patungong Subic ang Ford Expedition na sinasabing ng anim na babae at dalawang lalaki nang biglang sumabog ang harapang gulong ng sasakyan saka bumangga sa bakal na barikada.

Inaalam na ang pagkakilanlan ng mga namatay at mga nasugatan.

Iniimbestigahan na rin kung may foul play sa aksidente.

 

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply