Sigalot sa Panatag ayusin ng mapayapa- arsobispo

NANAWAGAN ang isang arsobispo sa pamahalaang Aquino na ayusin ang sigalot sa Scarborough o Panatag Shoal sa pamamagitan diplomatikong pamamaraan.

Ayon kay Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Archbishop Jose Palma, na suportado ng Simbahang Katolika ang posisyon ng pamahalan na protektahan ang soberenya ng bansa.

Naniniwala rin ang arsobispo na kailangang ipakita ng pamahalaan ang pagmamahal sa bansa lalo na ngayong tumitindi ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa pinag-aagawang Scarborough Shoal.

Nanawagan din si Palma sa mga eksperto at diplomat na pagbutihin ang pakikipagnegosasyon upang hindi na lumala pa ang gusot sa pagitan ng dalawang bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply