Gym instructor arestado sa kasong carnapping

INARESTO ang isang gym instructor dahil sa kasong carnapping.

Kinilala ang suspek na si Paul Joshua Corpuz, 28 na dinampot sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Mandaluyong Presiding Judge Rizalina Camco dahil sa umano’y paglabag sa Republic Act 6539 o Anti-carnapping Act.

Nag-ugat ang reklamo sa umano’y pagmamaneho ng suspek sa isang Honda Civic (GFK-155) na walang paalam mula sa may-ari nitong nakilalang si Wendy Puyat.

Ibinenta ni Corpuz ang sasakyan sa isang Mark Bautista na taga-Batangas noong Oktubre 18, 2010. Na-impound ito matapos na hindi mabigyan ng clearance dahil sa nadiskubreng alarma.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply