Habulin ang smugglers

HINDI dapat na bumigay, bagkus maging matapang si Commissioner Ruffy Biazon sa pagharap sa mga ‘walanghiya’ riyan sa Bureau of  Customs.

Ang suhestiyon natin, h’wag gigiya ang komisyoner sa ‘pressure’ ng mga kritiko at ituon ang pagtahak sa ‘Tuwid na Daan’ ni Pangulong Aquino.

Sa ating obserbasyon, nasa tamang daan ngayon ang pantalan dahil sa mga reporma at isinasakatuparan ng liderato ni Comm. Biazon.

Pero kahit maganda ang tinatahak  ng BOC, pilit namang hinihilang pababa ng mga gago (kung sino man ang mga yan) dahil siguro walang magawa sa mga sarili.

Tulad na lang sa patuloy na pagbatikos nila sa bagong-tatag na Task force REACT para habulin ang mga makukulit na ismagler.

Simple lang ang dahilan. Tinitira nila ang task force para  ito’y maisara at ‘di maging sagabal sa kanilang smuggling activities. At sino ang mga nasa likod ng paninira.

Eh ‘di yaong mga kumikita na masasagasaan ng Task Force REACT sa kanilang gagawing operasyon.

Sa totoo lang, mahirap maging komisyoner ng Customs dahil sa dami ng problema.

Kaya nga marahil nahirapan si PNoy sa pagpili ng magiging BOC chief.

Naging palaisipan noon kung sino ang itatalaga, subalit matapos ang mahabang selection process, ang dating congressman Biazon ang nagwagi.

Nakita, marahil ng Pangulo kay Biazon ang tikas ng isang lider kung kaya’t siya ang napili sa maraming naging aspirants.

Dahil siya ang napili, dapat lang na magtrabaho si Biazon para mabago ang nakahihiyang imahe ng BOC dahil sa kaliwa’t kanang korapsyon.

At sa kanyang pagtatrabaho ng ‘tunay’, siya ngayo’y binabastos at kinukutya – ang resulta ng pagiging totoong public servant.

Komisyoner, ipagpatuloy mo ang iyong magandang ginagawa sa water-front, habulin mo ang mga tiwali, lalo na ang mga ismagler.

GASGAS NA SI GEN. DE VEGA

Gasgas na gasgas daw si QCPD director C/Supt. Mario Dela Vega sa panggagamit sa kanyang pangalan sa mga iligal ng isang alyas ‘Rocky’.

Itong si ‘Rocky’, ayon sa sumbong sa Chokepoint ay umiikot sa mga sugalan, club at iba pang pagkakakitaan at ipinangongolekta si Gen. Dela Vega.

Isa umanong Ver  Bicol na operator ng lotteng ang nagrereklamo sa katakawan umano ni ‘Rocky’ at bitbit ang pangalan ni Gen. Dela Vega sa pananakot sa mga ito kapag ‘di nagbigay ng kanyang hinihinging ‘tongpats’.

Paging Gen. Mario dela Vega…sir…gasgas na gasgas na ang iyong pangalan sa pananakot ng taong ito sa mga iligal sa QC.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply