Hailstorm sa China, 40 patay, 18 missing

Beijing — Umabot sa 40 katao ang namatay nang bumagsak ang maikli pero bayolenteng hailstorm na sinabayan pa ng malakas na pagbuhos ng ulan sa isang bulubunduking rehiyon sa northwest China, ayon sa ulat kaninang umaga ng lokal na gobyerno.

May labingwalo katao naman ang nananatiling nawawala sa Min county, disaster-prone area sa Gansu province, at may 87 naman ang isinugod sa ospital, pahayag ng county government.

Nabatid na nagmisutlang naghumerantado sa may 18 townships at naapektuhan ang mahigit sa two-thirds ng 450,000 residente, ayon sa ulat ng tate-controlled Xinhua news agency.

Ang Min county ay nasa 150 kilometers (94 miles) sa Zhouqu county, na naganap ang isang rain-triggered mudslide na ikinamatay ng 1,500 katao noong Augosto 2010.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply