Hamon kay PNoy na lumagda ng waiver ibinasura

IBINASURA ng Malakanyang ang hamon kay Pangulong Benigno Aquino na lumagda ng waiver para makalkal ang kanyang bank accounts na sinasabing bahagi ng kanyang campaign promised.

Ang katuwiran ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte ay naideklara na naman ni Pangulong Aquino sa kanyang Statements of Assets and Liabilities and Net Worth ang kanyang mga ari-arian at yaman kaya’t hindi na kailangan pa ang isang waiver.

Tinuran pa rin ng opisyal na walang panahon si Pangulong Aquino at mga kaalyado nito na patulan ang kapwa panawagan nina Senador Francis “Chiz” Escudero at Senador Alan Peter Cayetano na lumagda ng waiver para malaman ng publiko kung sino-sino ang may mga itinatagong  dollar accounts.

Personal na desisyon naman nina Rep. Niel Tupas Jr., at iba pang miyembro ng prosecution panel na lumagda ng waiver lalo pa’t sinimulan na ito ng napatalsik na Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply