Hamon ni CJ Corona tinanggap ng Ifugao Rep

ISA pang kongresista ang tuwirang binuksan na ang kaniyang peso account upang ipakita ang kaniyang kahandaang tugunan ang hamon ni Chief Justice Renato Corona.

Ito ay bilang pagtanggap ni Ifugao Rep. Teddy Brawner Baguilat sa malaking hamon ngayon sa mga halal na opisyal partikular sa may 188 na kongresista na nagsulong sa impeachment laban kay Corona.

Si Baguilat ay sumuporta sa impeachment subalit hindi siya nakalagda dahil sa isang importanteng okasyon na dinaluhan.

Ani Baguilat meron lamang siyang kulang-kulang na P200,000 sa bangko at wala siyang dollar account.

Naninindigan si Baguilat na pagbigyan ang hamon ni Corona upang ipabatid sa taumbayan na ang mga kongresista ay handing ipabulatlat ang kanilang mga deposito sa bangko.

“I want the Chief Justice impeached so I should put these words into action by signing the waiver,” ani  Baguilat.

Bagama’t unang hinamon ni Corona ang 188 na kongresista kabilang na si Senador Franklin Drilon na pumirma sa waiver at binawi niya rin ito sa ikalawang araw ng kaniyang pagtestigo sa Senado.

“As a representative of Ifugao, I am open to Ifugaos knowing the financial situation of their representative now and for the years to come and also to show the country that representatives take accountability and transparency seriously and that we do earn our living in an honorable way,” sinabi pa ni Baguilat.

Nauna rito, may lima ng kongresista ang nagpahayag ng kahandaan na lumagda sa waiver at isa naman ang lumagda na.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply