Hamon ni Corona sa 188 mambabatas, Drilon na isiwalat ang bank accounts dapat tanggapin – Obispo

DAPAT umanong tanggapin ng mga kongresista at ni Senador Frank Drilon ang hamon sa kanila ni Supreme Court  Chief Justice Renato Corona na isiwalat din nila sa publiko ang kani-kanilang bank accounts.

Ito ang paghimok ni Lipa Archbishop Ramon Arguelles sa mga naturang mambabatas bilang reaksiyon matapos na hamunin ng punong mahistrado sa impeachment trial nitong Martes ang 188 kongresista na pumirma sa kanyang impeachment case, gayundin si Drilon, na sabay-sabay silang isiwalat ang kanilang bank accounts.

Ayon kay Arguelles, ang pagsisiwalat ng mga bank account ng mga mambabatas ay makabubuti para sa bansa.

Sinabi pa ng Arsobispo na mainam na tanggapin ng mga mambabatas ang nasabing hamon para mas mabigyang diin ang transparency sa kanilang pamumuno.

Ipinaliwanag nito na sa ganoong paraan umano ay maiiwasan na ang mga haka-haka kaugnay ng katiwalian sa gobyerno at mapapaigting ang public trust sa pamahalaan.

Kung mangyayari aniya ito ay tiyak na may magandang pagbabago na magaganap sa ating bansa.

Nauna rito, isang waiver ang pinirmahan ni Corona sa harap ng mga senator-judges na nagbibigay pahintulot sa pagbubukas ng kanyang bank accounts ngunit ibibigay lamang niya ito sa impeachment court kung lalagda rin umano ng kahalintulad na waiver ang mga naturang mambabatas.

Sinabi naman ng isang mambabatas na wala silang balak na tanggapin ang hamon ni Corona.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply