Hamon ni Corona sa 189 na mambabatas suportado ng KMU

MARIING sinusuportahan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang hamon ni Chief Justice Renato Corona sa mga mambabatas na lagdaan ang waiver para sa bank accounts.

Ayon kay KMU Chairman Elmer Labo,  kailangang lagdaan ng mga mambabatas ang waiver na kasing bilis ng paglagda nila sa impeachment complaint laban sa punong mahistrado.

Kailangan din gamitin ng Pangulong Noynoy Aquino ang kapangyarihan nito upang maimpluwensyahan at mapapirma ang mga mambabatas lalo na at pinagmamalaki nitong kontra siya sa graft and corruption.

Sa kasalukuyan, dumarami ang nagpahayag na handang sagutin ang hamon ni Corona  ng 188 na mambabatas na lumagda sa impeachment complaint niya at kay Senator Judge Franklin Drilon.

Sinabi ni Association of Philippine Electric Cooperatives (APEC) Partylist Rep. Ponciano Payuyo na handa siyang lumagda sa waiver dahil wala naman siyang itinatago.

Handa rin lumagda sina Cebu Rep. Rachel del Mar, Benhur Salimbagon, Gabriel Luis Quisumbing at Ilocos Sur Rep. Ryan Singson.

Una nang nagsabi na handa silang pumirma sa waiver sina Kalinga partytlist Rep. Abigail Faye Ferriols, Act partylist Rep. Antonio Tinio at Pangasinan rep. Kimi Cojuangco.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply