Hamon ni Corona sa mga kongresista pinaboran

PINABORAN ng dalawang arsobispo si Supreme Court Chief Justice Renato Corona kaugnay sa hamon ni Corona sa 188 congressmen na bumoto sa kaniyang impeachment at kay Senador Franklin Drilon na lumagda rin sa isang waiver para ilantad ang kanilang foreign deposit.

Batay sa pahayag nina Manila Auxilliary Bishop Broderick Pabillo at Lipa Archbishop Ramon Arguelles, ang hakbang ni Corona ay higit pang magsusulong ng ‘transparency’ habang ipinapakita na walang dapat itago ang mga mambabatas.

Dapat magsilbing ehemplo rin ang mga mambabatas sa pamamagitan ng pagsisiwalat ng kanilang dollar accounts

Sa ngayon stable na ang vital signs ni Chief Justice Renato Corona, pero dalawang araw pa rin siyang imo-monitor sa The Medical City sa
Pasig dahil sa posibleng heart attack.

May nakakabit pa ring dextrose kay Corona at patuloy na binibigyan ng diabetic diet habang inoobserbahan sa loob ng 48 oras.

Itinuturing na ‘high risk patient’ si Corona dahil sa dalawang ulit na itong sumailalim sa heart bypass.

Ayon sa pamunuan ng ospital, magpapalabas ng medical bulletin ang mga doktor ni Corona sa kalagayan nito ngayong hapon.

Samantala, mahigpit ang pag-screen ng mga nais bumisita sa punong mahistrado.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply