Hapon sinuso sa Boracay, 2 bading arestado

ARESTADO ang dalawang bakla nang maaktuhan ng mga tauhan ng Boracay PNP matapos maaktuhang ino-oral sex sa isang resort sa nasabing island paradise ang isang Japanese national.

Base sa ulat ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), caught-in-the-act ang dalawang bading na hindi na pinangalanan, pawang ng Talisay Negros Occidental na nakikipag-oral sex sa isang Japanese national malapit sa tinutuluyang resort ng huli sa The Tides sa loob ng D’Mall sa station 2, naturang island resort.

Nabatid na naaktuhan ng naka-duty na security guard sa naturang mall kung saan ang isang bading ay nagsisilbing look-out habang ang isa ay nakikipagtalik sa naturang Hapon.

Ang Japanese national ay bakasyunista sa Boracay at bagong kakilala lamang ang mga bading.

Kamakailan lamang ay isang mag-syota ang inaresto matapos mahuli sa aktong nagtatalik sa loob ng comfort room ng D’Mall.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply