Hataw sa dami ng projects si Lloydie!

MISMONG si Direk Olive Lamasan ang nag-confirm sa amin na si John Lloyd Cruz na ang bagong kapareha ni Bea Alonzo para sa movie na ginagawa nila ngayon, ang The Mistress, nu’ng batiin namin siya after receiving her award as Best Director sa Pasado Awards.

Kinumpirma rin niya sa amin na tatapusin niya ang movie by August. Dati kasi ‘pag sinabing Olivia Lamasan ang direktor, inaabot ng taon bago matapos ang pelikula. Pero pag labas naman ng pelikula, super sulit at halos lahat ng ginawa niya’y humakot ng awards, huh?

Bukod sa The Mistress, mag-uumpisa na rin si John Lloyd ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN with Angel Locsin. Si Lloydie ang ipinalit sa dalawang proyekto ni Derek Ramsay.

Pero mukhang ‘di lang projects sa ABS-CBN at Star Cinema ang iniwan ni Derek na napunta kay Lloydie, huh? Baka pati ang “ex” girlfriend ni Derek na si Angelica Panganiban ay mapunta rin kay Lloydie.

There’s a loud rumor kasi ngayon between John Lloyd and Angelica. Plus, inamin naman ni Derek na nasa cool-off stage sila ngayon ng sexy actress.

Anyway, speaking of The Mistress, ka-join rin sa movie ang Backroom talent at komedyanteng si K Brosas bilang best friend ni Bea. Follow-up project ito ni K after ng successful appearance niya sa box-office film na Unofficially Yours.

Happy nga si K dahil for the first time, makatatrabaho niya ang napakahusay na si Direk Olive kaya buong pagmamalaki niyang kinuwento sa amin na this time, full contract siya sa Star Cinema for The Mistress. Meaning, ‘di per day ang talent fee niya, huh?

Aside from her movie, balik din siya sa pagpe-perform sa comedy bars. At noong nakalipas na May 4 simula ng repeat performance ng kanilang hit comedy concert ngayon at bukas (May 12), ang 4 Da Best with Chokoleit, Pooh and Pokwang  produced by Amine Entertainment sa direksyon ni Andrew ‘Mamu’ de Real sa Music Museum.

Shocked daw ang audience sa mga words ng apat na komedyante sa super hero at lalo na sa No Other Woman spoofs nila.

“Ine-expect ko nga apat kami mas mahalay. Pero ang maganda nga lang, hindi siya naka-o-offend. Sabi nga nila, naughty but not nasty. So, sa pagde-deliver mo ‘yan. Hindi naman kailangan puro bastos ‘di ba,” diin ni K.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply