Hatol kay Chief Justice Renato Corona (3)

ANO ang mangyayari pagkatapos ng paghatol ng Senado kay Chief Justice Corona? Kung sakali na lumabas ang column na ito nang tapos na ang paghatol, ay magsisilbing hula na lamang ito na maaaring tama o mali.

Kung CONVICTED SI CHIEF JUSTICE CORONA ay siya ang kauna-unahang mataas na opisyal ng pamahalaan na matanggal sa pamamagitan ng impeachment trial.

Kauna-unahang Chief Justice na matanggal sa kataas-taasang Hukuman.

Napakasaklap na parte ng kasaysayan para kay CJ Corona.

Hindi ko alam kung maaaring maghain pa ng motion for reconsideration ang depensa sa ilalim ng impeachment proceedings pero kung meron man ay malabo na magbago ang conviction ng Senado.

Asahan mo rin na marami pang kaso ng graft and corruption cases ang isasampa laban kay Corona at kanyang pamilya.

Siguradong isasama sa SONA ni Pangulong Aquino ang hatol kay Corona na isang tagumpay ‘di umano sa mga may kasalanan sa bayan.

Magkakaroon ng epekto ito sa Korte Suprema at mga husgado na mas “mahinang” sangay ng pamahalaan ang JUDICIARY kaysa EXECUTIVE at LEGISLATIVE.

Maitatalaga ang isang bagong Chief Justice na mas “malapit” sa administrasyon.

Aminin man o hindi natural lamang na “kakampi” ang ilalagay at hindi isang “kaaway.”

Maaaring mabuyo si Corona na tumakbo sa pulitika dahil marami man ang galit sa iyo ay iba ang pulitikang Pinoy, ‘ika nga!

Biruin mo nga kung maging senador si Corona ay may posibilidad pa silang maging seatmate ni Senator Franklin Drilon dahil alphabetical ang seating arrangement nila. Nakatutuwa sigurong tingnan mag-seatmate sina Corona at Drilon sa Senado.

Maging maingat na ang mga government official sa pag-“fill up” ng kanilang SALN.

At marahil ay maraming kaso ang isasampa laban sa mga politiko na “more or less” ay may hindi idineklara na asset sa SALN.

Maaari ring magkaroon ng “movement“ sa bangko, lalo na ang mga politikong may mga malalaking pera sa bangko dahil ‘di umano ay hindi na “secret” at maaaring mabunyag na rin ang kanilang tinatagong milyon-milyon.

Ito po ay mga tingin lamang ng inyong lingkod na maaaring mangyari pagkatapos na isang CONVICTION na hatol.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply