Hatol kay CJ Corona igagalang ng CBCP

IGAGALANG ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang anumang magiging desisyon ng impeachment court sa kaso ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ito’y kasunod nang nakatakdang paglalabs ng hatol ng senator-judges sa impeachment case ng punong mahistrado.

Ayon kay Cebu Archbishop Jose Palma, pangulo ng CBCP, kumpiyansa naman sila na magiging patas ang desisyon ng senator-judges sa kaso.

Nilinaw din nito na hindi sila mananawagan para sa pagbibitiw sa puwesto ng punong mahistrado.

Iginiit pa nito na nananatiling wala silang pinapanigan sa isyu.

Kumpiyansa rin ito na boboto ang senator-judges ng naaayon sa kanilang konsensiya, patas at may respeto sa batas.

“We trust that you (Senate) will do your job,” ayon pa kay Palma.

“We pray na lahat ng ito ay tungo sa ikabubuti ng taumbayan.  Walang pinapanigan,” aniya pa. “We do not pre-empt  any possibility.  We respect the judgment.  Wala kaming bias sa judgment.  We give the senators the trust,” aniya pa.

Samantala, kumpiyansa naman ang mga Obispo na magkakaroon ng positibong epekto ang impeachment case.

“God allowed these events to happen so that the evil done and the evil intent of men will be uncovered and Truth will come out and Justice is vindicated,” ayon kay Bacolod Bishop Vicente Navarra.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply