Hatol kay Corona, kaagad ipatupad – Enrile

KUNG personal na masusunod siguro si Senate President Juan Ponce Enrile, dapat nang lumayas si Chief Justice Renato Corona sa Supreme Court kaagad-agad alinsunod sa itinakdang boto ng 20 senador na nagpatalsik sa kanya sa puwesto.

Ayon kay Enrile, bukod sa walang apela ang hatol na 20-3 kontra kay Corona ng impeachment court, dapat mabilis at kaagad ipatupad ang kanilang naging desisyon.

“The conviction is executory immediately. There is no appeal,” ayon kay Enrile.

Muling inulit ni Enrile ang kanyang mga naunang pahayag na iginagalang niya ang opinyon ni dating associate justice Serafin Cuevas na umakyat sa Korte Suprema upang kuwestiyunin ang buong proseso ng impeachment trial.

“Bahala sila, umakyat sila sa Supreme Court basta alinsunod sa ating Saligang Batas, final ang decision ng Senado,” ayon kay Enrile.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply