Hatol kay Corona maging leksyon– arsobispo

IGINIIT ng isang arsobispo na dapat na magsilbing aral sa lahat ng public officials ang naganap na pagpapatalsik sa puwesto ng impeachment court kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Matatandaang sa botong 20-3, pinatalsik ng mga senator-judges sa puwesto ang punong mahistrado dahil sa umano’y betrayal of public trust at culpable violation of the Constitution.

Kaugnay nito, sinabi ni Jaro Archbishop Angel Lagdameo, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na ilan sa aral na dapat na matutunan ng mga political leader mula sa impeachment case ni Corona ay ang pagkakaroon ng transparency at pagiging tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin.

“The law invoked applies not only to the Chief Justice but also on all public officials. It is a lesson for all,” dagdag pa ni Lagdameo.

Dagdag pa ni Lagdameo, ang conviction kay Corona ay simula pa lamang at marami pang dapat na gawin ang administrasyong Aquino kung talagang seryoso ito sa paglaban sa korapsyon.

Nanawagan din ang arsobispo kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III na patunayang wala siyang kinikilingan sa kanyang anti-corruption campaign at wala siyang double standard.

“The trial and conviction of the CJ is a turning point towards honesty, truthfulness and accountability of government officials. The underlying principles have a wide application. It is not the end, but a beginning,” giit pa nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply