Hatol ng Senado tanggap ni Corona

IKINALULUNGKOT man ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona ang naging hatol sa kanya ng Senate Impeachment Court ay tanggap umano niya ito.

Batay sa ipinalabas na official statement, sinabi ni Corona na tatalima siya sa kautusan ng impeachment court para sa ikabubuti ng taumbayan at ikatatahimik ng kanyang pamilya.

Ayon sa punong mahistrado, buong tapang niyang hinarap at ng kanyang pamilya ang mga maling akusasyon laban sa kanya sa nakalipas na buwan sa pag-asang makakamit nila ang hustisya.

Aniya, hindi nila nakamit ito at sa halip ay nangibabaw ang pagsasabwatan ng kasalukuyang administrasyon at nangibabaw ang masamang pulitika.

Kahapon, (Mayo 29) sa botong 20-3 (guilty-not guilty) nahatulang guilty si Corona sa article 2 ng articles of impeachment na inihain sa laban sa kanya kung saan nakasaad ang kabiguan niyang ideklara ng tama ang kanyang statements of assets, liabilities and net worth.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply