Hatol ng Senado kay Corona igalang — solons

NANANAWAGAN ang mga kongresista na dapat igalang kung ano man ang maging hatol ng Senado kay Chief Justice Renato Corona.

Binigyang diin ni Marikina Rep. Marcelino Teodoro na kung hindi rerespetuhin ang pasya ng mga senador ay mawawalan ng closure ang impeachment proceedings.

Nanawagan si Teodoro na tuldukan na ang paglilitis dahil marami nang nabinbing trabaho sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

Naniniwala naman si AGHAM Party-list Rep. Angelo Palmones na walang basehan para iapela pa ang magiging desisyon dahil pinairal naman ang demokrasya sa paglilitis at binigyan ng due process ang magkabilang panig.

“Legally, I don’t think there’s bases for an appeal to a conviction from the impeachment court,” ani Palmones.

Sa panig naman ni AKO BICOL Partylist Rep. Rodel Batocabe, sinabi niyang wala namang constitutional crisis dahil ang gagawing pag-apela ng depensa sa Korte Suprema ay iligal.

“Ang impeachment ay siyang tanging may hurisdiksyon sa lahat na may kinalaman sa impeachment. Iyan ang hari pagdating sa bagay na yan at walang sinumang puwedeng kumwestyion diyan maski na presidente o SC. Ang tanging tsek sa kanila ay ang taumbayan pagdating ng eleksyon,” ayon kay Batocabe.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply