Health tips sa pagpasok ng tag-ulan

PATAPOS na ang summer at magsisimula na ang panahon ng tag-ulan at tiyak na mauuso na naman ang iba’t ibang sakit na maaari nating matamo sa ganitong panahon.

Kahit marami sa atin ay nag-e-enjoy at nagtatampisaw sa ulan, hindi maiaalis sa ating isipan na maaari tayong dapuan ng sakit na nangagaling sa tubig-ulan. Sa panahon ngayon na palalang-palala na ang polusyon, ang ulan ay hindi na ganoon kaligtas.

Para ating masigurado ang kaligtaasan narito ang ilang mga sakit na dapat labanan kung saka-sakali natin itong makuha o maka-encounter:

MALARIA

Pinakakilalang sakit na makukuha tuwing panahon ng tag-ulan ay galing sa mga babaeng lamok. Kadalasan makikita ang mga insektong ito sa mga nakaimbak na tubig na naiipon pagkatapos umulan. Dito rin mas active manganak ang mga lamok. Sinasabing ang Malaria ang pinakadelikadong sakit sa india na kumitil na sa maraming buhay doon.

Malalamang ikaw ay apektado ng naturang sakit kung nakararamdam ka ng sintomas gaya ng pabalik-balik na lagnat, panginginig, pananakit ng katawan at panghihina.

Paano ba maiiwasan ang sakit na Malaria?

Dahil sa napag-alaman sa lamok nanggagaling ang sakit na ito, dapat lamang na gumamit ng mosquito repellents at nets para maiwasan ito. Siguraduhin din na walang maiipong tubig kung saan namamahay ang mga lamok na ito.

Paalala na oras na nakaramdam ng mga nabanggit na sintomas ay agad n komunsulta sa doktor.

CHOLERA

Isang pang nakamamatay na sakit tuwing tag-ulan ay ang cholera. Ito ay maaaring makuha sa pagkonsumo ng pagkain at tubig na kontaminado o may bacteria.

Kumakalat ang bakterya kapag ang ating paligid ay hindi gaano malinis.

Ano ang mga sintomas ng Cholera?

Diarrhea na may kasamang malambot na dumi o stools, ito ang pinaka-kadalasang sintomas ng Cholera. Senyales din ang pagsusuka na kasabay nang pagkawala ng supply ng tubig, at pananakit ng katawan.

Paano ito maiiwasan?

Mas maganda kung makakapagpabakuna na magtatagal ng halos anim na buwan. Ipinapayo din ang pag-inom ng malinis na tubig. Hangga’t maari ay pakuluan ang tubig bago inumin.

Makabubuti rin ang pagiging malinis sa katawan o proper hygiene, laging maligo, maghugas ng kamay at maglinis ng katawan bago matulog. Higit sa lahat panatilihing malinis ang paligid.

TYPHOID

Isa sa madaling kumalat tuwing panahon ng habagat ang typhoid. Nakukuha ang sakit na ito sa mga nakontaminadong pagkain, ang malala pa ay naaapektuhan din ang pag-ihi ng nadapuan ng sakit na ito kahit ito ay magaling na.

Ano-ano ang mga sintomas ng typhoid

Kabilang sa mga sintomas ng sakit ay ang pagkakaroon ng lagnat, matinding pananakit ng tiyan at ulo.

Madaling maipasa ang sakit na ito kaya dapat ay ma-isolate ang taong nadapuan nito.

Ipinapayo na dapat ang maagang pagpapabakuna at uminom ng maraming tubig para makaiwas sa dehydration.

Dahil ang ganitong karamdaman ay may pagkakataon na tumatagal ng mahigit dalawang linggo dapat lamang magsagawa ng matinding pag-iingat ganoon din kahit na pagkatapos gumaling.

HEPATITIS A

Nagmumula ang hepatitis A sa mga langaw na maaring maipasa nang direkta mismo sa may sakit

Ang sintomas nito ay lagnat, pananakit ng ulo at mga kasu-kasuhan, at pagsusuka.

Para makaiwas sa sakit na ito dapat na magpabakuna. Available ito sa lahat ng sangay ng gobyerno at mga pribadong ospital.

Dapat na may sapat at maayos na pahinga, magkaroon ng high calories diet ngunit iwasan ang ma-cholesterol at mamantikang pagkain.

COMMON COLD

Ito ang madalas na nagiging sakit ng karamihan lalo na sa mga may edad na sapagkat madali itong maipasa tuwing malamig ang panahon.

Kabilang sa mga sintomas ng common cold ay ang pagbahing, pananakit ng lalamunan at pagkakaroon ng lagnat.

Kung sakaling magkaroon na ng common cold ang isa sa pinakamabisang paraan ay uminon ng mainit na gatas. Mag-gargle ng mainit na tubig para maalis ang pananakit ng lalamunan at kung hindi madaan sa ganitong paraan dapat na komunsulta sa inyong doktor.

IMMUNE SYSTEM

Dahil madaling maipasa ang mga nabnggit na sakit tuwing tag-ulan makabubuting palakasin natin ang ating immune system.

Komunsulta sa inyong doktor upang maresetahan ng bitamina upang mapatatag ang immune system at hindi agad madapuan ng sakit.

Maglaan din ng ilang minuto para makapag-ehersisyo araw-araw na nakapagpapalakas sa ating katawan.

Lagi ring tiyakin na komukonsumo ng masusustansiyang pagkain at wastong dami ng tubig.

Higit sa lahat, practice good hygiene, maligo araw-araw at maghugas ng kamay pala-palagi.

Panatilihin ding malinis ang loob, labas at paligid ng ating mga tahanan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply