Heart Evangelista at Chiz Escudero umaming enjoy sa isa’t isa

MAKARAANG aminin ang pakikipaghiwalay sa kanyang last BF na si Daniel Matsunaga ay nali-link naman ngayon si Heart Evangelista sa kahihiwalay lamang na mga personalidad sa pulitika, kabilang na sina Senator Chiz Escudero at Pangulong Noynoy Aquino.

Matatandaan na nauna nang inamin ni Heart na nakikipag-date siya kay Sid Lucero, kasama niya sa isang teleserye pero sabi ng dalaga ay date lang iyon at wala pa sila sa level nang pagkakaroon ng mas malalim na relasyon.

Ngayon naman ay balitang kay Senator Chiz nakikipag-date ang dalaga na kanya ring inamin na enjoy siyang kausap lalo na sa mga matured na usapin.

Nang kapanayamin naman si Chiz, iwas ang senador na sagutin kung totoong nagkakamabutihan na sila ng aktres.

Ayon sa senador, ini-enjoy lamang nila ngayon ng dalaga kung ano man ang relasyon na meron sila.

Bukod kay Chiz, balita ring pinopormahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang dalaga na balita ring hiwalay na sa kanyang Korean  GF na si Grace Lee.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply