Heat lumiliyab

BALANSE ang puntos ng players ng Miami Heat kaya nagsasaya sila dahil naitala nila ang 2-0 sa kanilang best-of-seven series laban sa New York Knicks sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) playoffs.

Nagtulong ang Big 3s ng Heat na sina two-time NBA MVP LeBron James, Dwayne Wade at Chris Bosh upang itarak ang 104-94 panalo sa Knicks kaninang umaga.

Maging ang mga second stringers ng Heat  na sina Mike Miller at Shane Battier ay nag-ambag sa opensa ng Miami.

”Every game we try to find our shooters, get them comfortable in the offense and once they catch them, they can let it fly,” ani James. ”It was concerted effort tonight to get them the ball and move the ball from one side to the other.”

Kumana si Wade ng 25 puntos at tig apat na rebounds at assists habang 21 points at tig apat na boards at assists ang binandera ni Bosh.

Nangalabaw naman si James ng 19 markers, siyam na assists at pitong rebounds upang ilagay ang Knicks sa delikadong sitwasyon lalo na sa Game 3 ay may napapabalitang hindi makapaglalaro si Amare Stoudemire dahil sa kanyang injury.

Bumakas din si Heat starter Mario Chalmers ng 13 pts. at anim na assists habang sina Miller at Battier ay may tig-11 points.

Si Carmelo Anthony naman ay pumoste ng maraming puntos para sa Knicks, (30 pts. 9 boards) habang si Stoudemire ay may 18 puntos.

Samantala, nagsasaya rin ang Oklahoma City Thunder dahil angat sila ng 2-0 serye sa defending champion Dallas Mavericks habang 1-1 ang series ng labanan sa pagitan ng Indiana Pacers at Orlando Magic.

Kinaldag ng Thunder ang Mavs, 102-99 habang tinalo ng Pacers ang Magic, 93-78.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply