Heat nakaraos sa Pacers

TWO down one to go.

Hihintayin na lang ng Miami Heat ang mananalo sa pagitan ng Boston Celtics at Philadelphia 76ers upang harapin ito sa Eastern Conference Finals.

Pinatalsik ng Heat ang balanseng team na Indiana Pacers matapos ang 105-93 panalo sa Game 6 ng nagaganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) semifinals kaninang umaga.

Muling nagtuwang sa opensa sina Dwyane Wade at MVP LeBron James upang ilista ang 4-2 sa kanilang best-of-seven series.

Naging katulong ni Wade sa opensa si James na tumikada ng 28 points, seven assists at anim na boards para punan na rin ang pagkawala ng kakampi nilang si Chris Bosh na may abdominal injury.

Naitabla pa ng Pacers ang score sa 66 matapos ang three-pointer ni Darren Collison subalit patuloy pa rin ang pagliliyab ng Heat kaya nadomina pa rin nila ang third canto, 79-69.

Nakakuha rin ng tulong sa opensa sina Wade at James kay Mario Chalmers na tumikada ng 15 markers at tigalawang rebounds at assists.

Idedepensa ng Heat ang kanilang titulo sa EC sa darating na Martes, (Lunes sa America) habang nakatakda namang magharap sa Western Conference finals ang San Antonio Spurs at Oklahoma Thunder.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply