Heat pinaso ang Celtics sa East Finals, 2-0

MULING nalasap ng Boston Celtics ang pangalawang pagkatalo sa kamay ng Miami Heat sa Game 2 ng kanilang best-of-seven series sa National Basketball Association Eastern Conference Finals.

Hindi nakayanang mapanatili ng Celtics ang kalamangan kontra Heat dahilan upang matalo sila sa overtime sa iskor na 111-115.

Ayon sa ulat, mula sa 12-point deficit sa first half, nagawa ng Heat na makabawi at maitabla ang iskor sa fourth quarter at tuluyang maipanalo ang laro, 115-111.

Kumamada ng 34 points at 10 rebounds si Heat superstar LeBron James habang bumuslo ng 23 points si Dwyane Wade.

Tinanghal na best performer ng Boston si Rajon Rondo na humakot ng 44 points, 8 rebounds at 10 assists.

Hawak ngayon ng Heat ang 2-0 lead sa serye.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply